bakit ganon? hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. hindi na ko natutuwa sa buhay ko. hindi na ko naeexcite. yung dating nakakapagpasaya sakin na mga idol ko, parang di na rin ako masyadong nagpa-fangirl. mahal ko pa rin naman sila at susuportahan ko sila forevs pero ewan ko ba kung anong nangyayari sakin. nanonood pa rin naman ako ng mga youtube videos at series sa iflix (oo masyado akong mahirap para sa netflix) pero panandaliang kasiyahan lang ang naiidulot ng mga ito sakin. bumabangon ako araw-araw at nabubuhay na lang sa routine. kapag umaga na, hihilingin kong sana gumabi na. may mga kaibigan ako pero..... parang wala. normal ba tong nararamdaman ko? alam ko sakin talaga may mali eh. pero naman kasi..... sa araw-araw ba namang ginawa ng diyos.... bakit parang ang egoistic ng mga tao sa paligid ko? self centered ba sila o masyado lang ba akong sensitive? lahat kasi sila may kuwento. lahat na lang tungkol sa kanila. lagi na lang sila yung bida. lagi na lang sila dapat pakinggan. ilang ulit ko nang narinig at halos kabisado ko na. alam kong self proclaimed na good listener ako pero ako kaya? kelan kaya nila ako papakinggan? kelan kaya sila magkakainteres sa buhay ko? kelan kaya nila papakinggan yung opinyon ko? tatanungin kung anong gusto ko? anong ginawa ko nung weekend? kung masaya ba ko?
pwede bang hindi weird ang tingin sa mga taong walang kaibigan? mukhang mas magiging masaya pa ko pag wala na lang akong kaibigan. feeling ko kaibigan ko lang sila just for the heck of it. para may matawag lang akong kaibigan. isa pa nga sa kanila eh bestfriend daw ang turing sakin pero alam nya ba yung paborito kong libro? alam nya ba ang paborito kong kulay? yung mga paborito kong pinapanood sa iflix alam nya kaya? alam nya ba na umiiyak ako sa cr dahil madrama akong tao? alam nya ba yung twitter account ko? alam nya bang may blog ako na tatlong beses sa isang taon ko lang buksan dahil tinatamad ako at ayoko ng responsibility? di ba pag bestfriend dapat alam yun? bakit parang one sided? marami akong alam tungkol sa kanya pero wala syang alam tungkol sakin. marami syang kinikuwento sakin pero bihira nya lang pakinggan yung akin. hindi ako makwento alam ko pero kung kaibigan ko siya, hindi ba dapat magtatanong din siya? haaayyy ang dami na nang sinabi ko. wala gusto ko lang ilabas. pero mabait din naman sila to be fair. ako lang siguro talaga tong feeling baby na naghahanap ng atensyon. pero hindi ko naman siguro ito mararamdaman kung walang dahilan hindi ba? ang drama ko. ang gulo ko. ano ba yan. kaya ikaw.... kung sakaling may makakabasa man nito kahit feeling ko wala talaga... pero kung sakali lang na nabasa mo nga ito sa hindi ko mawaring kadahilanan kung ano bang ginagawa mo at napadpad ka rito.... pwede mo kong kausapin... anytime... kung kailangan mo lang ng makikinig sayo... kahit gaano pa kawalang kwenta yang kuwento mo gaya ng kuwento ko, makikinig ako. alam ko kasi yung feeling na wala kang masabihan ng nararamdaman mo tapos pupunta ka na lang sa cr, magpapanggap na tatae kahit naiiyak ka lang talaga pero ayaw mong malaman nila dahil pa-mysterious kuno ka. mag-send ka lang na email sa [email protected] o di kaya ay mag-send ka ng direct message sa aking twitter @whoapotato nagmamahal, G
0 Comments
|
just call her "G"when she can't say it, |