Here are the apps that I currently have or currently love. I won’t mention Twitter, Facebook, Instagram and YouTube anymore because everyone already has them and if you don’t have one, what are you even doing with your life?
1.94%
2.9gag
3.Clean Master
4.Crowdfire
5.AirBrush
6.Easy Touch
7.KineMaster
8.My Dressing
0 Comments
Yay!! Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa pero nakakuha ako ng tickets sa YouTube FanFest Manila 2016!!! I was not able to get one last year. Paano ba naman kasi mas mabagal pa sa pagong na pilay ang internet namin at pang-kalakal pa ang laptop ko na bigla-bigla na lang namamatay nang panahong ‘yun. Ayun ending tuloy eh sobra akong na-depress. Halos lahat na ata ng giveaways and contests sinalihan ko, cornetto, close up, sunsilk, rexona, jusme kulang na lang salihan ko pati yung sa Chicser, pero dahil kahit papaano eh may konting pride pa naman akong natitira, hindi ko ‘yun sinalihan. Kinarma ata ako sa pang-aaway ko sa chicser at ni isang sinalihan eh wala akong napanalunan. At ‘yan ang kwento ng pagiging #TeamBahay ko.
Pero syempre susuko na lang ba akong ganun-ganun na lang? Aba hindi, walang makakapigil sa’kin. Kung gusto nyo gumawa din kayo ng bidyo nyo! (Oo nga!) And so I kept browsing twitter for updates. I was crying ofc seeing people meet our sunshines. Best day ever nila samantalang worst para sa’kin huhu. I was happy for them but I was sad for myself. Hours later, I got unexpected finger-lickin’ good news. Bethany Mota will be doing a meet and greet daw like whuuuut ansabe can I get a hell yeah?!!! Thing is that... there’s a limit. Only the first 500 people will be accommodated. Sabi ko aagahan ko talaga ng bongga ito at kung susuwertehin ka nga naman, nakarating ako sa tamang oras at ang bilang ko sa pila? 508. Huwaw. Halos pagsakluban na ‘ko ng langit at lupa nang malaman ko ‘yun. But because Beth is the nicest, she agreed to meet more people including me!! Hashtag blessed. Parang biglang nagbukas ang filter ng snapchat na may halo sa ulo ko at nagbukas ang langit para sa’kin. Imagine I met one of my favourite YouTubers!! One of the reasons why I stay up all night. One of the reasons why nag-lalag ang games ng mga pinsan ko dahil nakikipag-agawan ako sa internet connection. Worth it talaga dahil yung isa sa mga taong ‘yun eh nayakap ko na at nasabihan ko pa ng “I love you” in person like whaaaat I only used to type those words so I can send them to her on twitter!! (btw “thank you”-zoned lang ako kay Bethers eh lol itchukey have chum more!) Pero syempre ulit, wala na namang makakapigil sa’kin. If there’s one person or should I say 3 people that I love more than Beth, that’d be none other than the legendary Jaspoli. At bilang nasa Resorts World na rin kami, bakit nga naman hindi ko na sila hanapin dito? Umabot kami ng 8 pm dun hanggang sa finally.... finally sumuko na kami. Ilang tao na siguro ang natakot sa kakatitig namin sa van nila hoping na isa sa mga ‘yun ay sakay ang Jaspoli. Ilang beses na rin kaming nagpaikot-ikot sa hotel at mall at nagbawas ng fats sa katawan. Ilang guards na rin ang chinika namin at wala kaming napala maliban sa na-inform kami na kasal daw ni Mrs. Tan nung araw na ‘yun. Congrats Mrs. Tan kung sino ka man. Sobrang nangangalay na kami kakahintay, kakayanin naman para sa Jaspoli kaya lang ang paalam ko sa bahay eh sa school lang ang punta ko nung araw na iyon payagan lang nila ako. Oh what a fangirl does to satisfy her fangirl needs. Kaya ayun kinailangan ko nang umuwi. Hindi pa siguro iyon ang panahon para makita ko sila. Sa tamang panahon daw, oo gasgas na nga yan pero hindi naman kayo ang nagsusulat nito eh kaya shut up na lang. Haha jk labyu. Nung araw na ‘yun, tumingin ako sa langit at ipinangako sa sarili kong magkamatayan na pero sa susunod na YTFF makakasama na ‘ko. Jk lang ulit. Walang pagtingin sa langit na nangyari pero totoo yung promise ko sa sarili ko. Kaya heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Jk ulit. Sht ang joker ko talaga. Tawa ka na kasi. Ayun na nga, kaya heto, G na G si ate G. April 30, 2016, bago mag-4 pm nag-set up na ‘ko. Halos tumabi na ‘ko sa router. Nakailang subo pa ‘ko ng Doritos at ilang lagok ng Langka juice. Teka may English ba ‘yung langka? Tinatamad ako mag-search. Basta ayun. Tapos pinilit ko pa yung pinsan ko na tulungan ako kahit na ni isa sa mga tao sa line-up ng YTFF Manila eh wala syang kilala. Sino ba ang hindi normal? Ako o siya? I guess it’s the former. Eksaktong 4pm, pagka-refresh ko ng site ng ticketworld, ayan na nagsimula na ang ticket selling. OA talaga pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I can’t even breathe properly. Bakit paulit-ulit yung lumalabas?!!! ‘Yung tipong kahit hindi ka nagmumura eh mapapamura ka talaga sa frustration. Pero in English para kunyari may class. Gayunpaman ay pinilit kong mag-tiwala sa sarili ko at sinabi ko na lang sa sarili ko na kaya mo yan, wala kang kaagaw na mga chicser fans. Haha inaaway ko na naman ang chicser. Ang ending ayun, hindi nakakuha ng ticket. Ang pinsan ko. Siya yung hindi nakakuha. Well ako, wala nga kasing makakapigil sa’kin. Got ‘em!!! Umaasa pa rin akong makasama ang Jaspoli sa line up pero kung hindi man, sobrang saya ko na rin na makita ang mga bessy ko na sila Connor, Alex at Tanner. Yasssss. Hindi nyo naitatanong pero sasabihin ko pa rin, si Connor ang first ever YouTube crush ko O2L days pa lang. Yes, when he has not come out yet. I loved him then, I love him more now especially knowing na he’s being true to himself na. Such a good role model. Dapat tulad niya yung hinahangaan ng mga kabataan ngayon, hindi yung mga... haay nako hindi na ko magmemention ng pangalan pero ano ba namang klase yung mga rap ni Skusta Clee ba yun? Jusme kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. So ayun, nobela na itong sinulat ko, may nagbabasa ba? Haha ang cringey namang isipin. Tatapusin ko na nga.. ang huling naaalala ko na lang nung araw na ‘yun pagkatapos kong makita ang confirmation na nakakuha nga ako ng ticket ay niyakap ko ang aso sa tabi ko, nawala sa isip kong hindi pa pala siya naliligo.. at tuluyan na kong hinimatay. Jk lang ulit. OA lang haha syempre ang ginawa ko kakaiba, unique, wala pa talagang gumagawa nito. This is how I celebrated my victory. I fished out my phone. Mabilisang nag-type. Tapos clinick ko yung “send tweet”. |
just call her "G"when she can't say it, |