Hello hello hello. It’s me, G. Syempre hindi ‘yan ang tunay kong pangalan. Sino ba namang matinong magulang ang magbibigay ng isang letra lang bilang pangalan ng kanilang anak? Pero feeling ko meron talagang taong ganun eh, at mukhang magkakasundo kami. Hindi naman sa bibigyan ko rin ng isang letra lang ang pangalan ng magiging anak ko pero parang maganda yung letter z?
Ang blog na ito ay ginawa ko dahil sasabog na ata ang utak ko sa dami ng mga iniisip ko. Wala lang, baka sakaling may maka-relate. Hindi ko rin alam kung kaya kong panindigan itong blog na ito dahil minsan sa sobrang katamaran ko eh pati pagtu-toothbrush eh pinagpapabukas ko na lang. wag ka mag-malinis, minsan ganyan ka din.
Hindi rin ako professional writer at ayaw ko sa lahat eh yung may mga rules akong sinusunod sa pagsusulat kaya kung may mali man akong masabi, pasensya na ngayon pa lang. wala talagang kwenta ang mga sinusulat ko. I write depending on my mood. Sometimes in English, minsan naman sa Filipino. Madalas mixed para conyo like YOU KNOW.
Hindi ko alam kung may magbabasa nito pero patuloy akong magsusulat dito hangga’t sinisipag ako. Naku medyo nakakatakot yun dahil napakabilis kong mawalan ng motivation. Ang blog na ito ay walang specific na category. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko kaya huwag nyo na kong tanungin, though wala namang nagtatanong. Assuming lang hahaha. Ayan isa pa mahilig din akong tumawa. Minsan plastik, minsan genuine naman talaga pero hindi nyo malalaman dahil tinatayp ko lang naman hahaha.
Oh s’ya hala tama na, nobela na ito. Ano ba kasing ginagawa mo at nakarating ka sa blog na ito? G.